Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Semitiko

Semitiko

Tumutukoy sa mga bayan, wika, at kultura ng mga inapo ng anak ni Noe na si Sem, na tinatawag na mga Semita.—Gen 10:21-31.

Ang ilan sa mga unang Semita ay ang mga tribong Arabe, pati na ang mga Arameano (o, Siryano), Asiryano, sinaunang Caldeo, Elamita, Hebreo, at iba pa. Halos nasakop nila ang timog-kanluran ng kontinente ng Asia, kasama na ang kalakhang bahagi ng Fertile Crescent at malaking bahagi ng Peninsula ng Arabia.

Noong panahon ng Bibliya, kasama sa mga wikang Semitiko ang Akkadiano (wika sa Asirya at Babilonya), Arabe, Aramaiko, Hebreo, at mga wika ng mga bayan na malapit sa Israel, gaya ng mga Ammonita at Moabita. (Gen 11:27; 19:30, 37, 38) Ito ang pinakamatandang grupo ng mga wika.

Kapag sinasabing “Semitiko” ang isang salita, pangalan, o idyoma, ang ibig sabihin ay nagmula ito sa isang wikang Semitiko o may mga elemento ito na gaya ng sa wikang Semitiko.