Isaias 15:1-9

15  Mensahe laban sa Moab:+ Dahil nawasak ito sa isang gabi,Ang Ar+ ng Moab ay napatahimik. Dahil nawasak ito sa isang gabi,Ang Kir+ ng Moab ay napatahimik.   Pumunta siya sa Bahay* at sa Dibon,+Sa matataas na lugar para umiyak. Humahagulgol ang Moab dahil sa Nebo+ at dahil sa Medeba.+ Ang bawat ulo ay kinalbo,+ ang lahat ay tinanggalan ng balbas.+   Sa mga lansangan nito ay nagsuot sila ng telang-sako. Sa kanilang mga bubong at mga liwasan* ay humahagulgol silang lahat;Bumababa silang umiiyak.+   Ang Hesbon at ang Eleale+ ay humihiyaw;Dinig ang tinig nila hanggang sa Jahaz.+ Kaya patuloy na sumisigaw ang nasasandatahang mga lalaki ng Moab. Nanginginig siya.   Dumaraing ang puso ko dahil sa Moab. Ang mga tumakas mula rito ay tumakbo hanggang sa Zoar+ at Eglat-selisiya.+ Umiiyak sila habang paakyat ng Luhit;Habang papunta sa Horonaim ay dumaraing sila dahil sa kasakunaan.+   Natuyo ang mga tubig ng Nimrim;Natuyot ang berdeng damo,Wala nang mga damo at walang anumang luntian na natira.   Kaya ang mga natira sa mga natipon nila at sa mga kayamanan nila ay kanilang dinadala;Tumatawid sila sa lambak* ng mga punong alamo.   Dahil ang pagdaing ay umaalingawngaw sa buong teritoryo ng Moab.+ Ang pag-iyak ay dinig hanggang sa Eglaim;Ang pag-iyak ay dinig hanggang sa Beer-elim.   Dahil ang mga tubig ng Dimon ay punô ng dugo.At may ipadadala pa ako sa Dimon: Isang leon para sa mga tumatakas mula sa MoabAt para sa mga natitira sa lupain.+

Talababa

O “Templo.”
O “plaza.”
O “wadi.”

Study Notes

Media