Isaias 31:1-9

31  Kaawa-awa ang mga pumupunta sa Ehipto para magpatulong,+Ang mga umaasa sa mga kabayo,+Ang mga nagtitiwala sa mga karwaheng pandigma dahil marami ang mga itoAt sa mga kabayong pandigma* dahil malalakas ang mga ito. Hindi sila umaasa sa Banal ng Israel,At hindi nila hinahanap si Jehova.   Pero siya ay marunong din at magpapadala siya ng kapahamakan,At hindi niya babawiin ang mga sinabi niya. Kikilos siya laban sa sambahayan ng masasamaAt laban sa mga tumutulong sa mga gumagawa ng masama.+   Ang mga Ehipsiyo ay mga tao lang at hindi Diyos;Ang mga kabayo nila ay laman at hindi espiritu.+ Kapag iniunat ni Jehova ang kamay niya,Ang sinumang tumutulong ay matitisodAt ang sinumang tinutulungan ay mabubuwal;Sabay-sabay silang maglalaho.   Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Ang leon, ang malakas na leon, ay umuungal, para sa nasila nito,Kapag nagdatingan ang malaking pangkat ng mga pastol para labanan ito.Hindi ito nasisindak sa kanilang mga sigawO natatakot sa kanilang ingay.Ganoon din si Jehova ng mga hukbo na bababa para makipagdigmaAlang-alang sa Bundok Sion at sa burol nito.   Gaya ng mga ibong bumubulusok, mabilis na darating si Jehova ng mga hukbo para ipagtanggol ang Jerusalem.+ Ipagtatanggol niya ito at ililigtas. Iingatan niya ito at sasaklolohan.”  “O bayang Israel, manumbalik kayo sa Kaniya na labis ninyong pinaghimagsikan.+  Dahil sa araw na iyon, itatakwil ng bawat isa sa inyo ang kaniyang walang-kabuluhang mga diyos na pilak at ang kaniyang walang-silbing mga diyos na ginto, na ginawa ng makasalanan ninyong mga kamay.   At ang Asiryano ay mabubuwal sa espada, na hindi sa tao;At isang espada, na hindi sa tao, ang lalamon sa kaniya.+ Tatakas siya dahil sa espada,At ang mga kalalakihan niya ay gagamitin sa puwersahang pagtatrabaho.   Ang kaniyang malaking bato ay maglalaho dahil sa matinding takot,At ang kaniyang matataas na opisyal ay masisindak dahil sa posteng pananda,” ang sabi ni Jehova,Na ang liwanag* ay nasa Sion at na ang hurno ay nasa Jerusalem.

Talababa

O “mga mangangabayo.”
O “apoy.”

Study Notes

Media