Nahum 3:1-19

3  Kaawa-awa ang lunsod na mamamatay-tao! Punong-puno siya ng kasinungalingan at walang tigil sa pagnanakaw. Lagi siyang may biktima!   Maririnig doon ang hagupit ng latigo at ang pagkalampag ng gulong,Ang kumakaripas na kabayo at ang humahagibis na karwahe.   Ang nakasakay na mangangabayo, ang kumikislap na espada, at ang kumikinang na sibat,Ang maraming napatay, at ang mga bunton ng bangkay—Hindi mabilang ang mga bangkay. Palagi silang natatalisod sa mga bangkay.   Dahil ito sa mga kahalayan ng babaeng bayaran,Na maganda at kaakit-akit, reyna ng pangkukulam,*At nambibitag ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang prostitusyon, at ng mga pamilya sa pamamagitan ng kaniyang pangkukulam.   “Ako ay laban sa iyo,”* ang sabi ni Jehova ng mga hukbo,+“Itataas ko ang laylayan ng damit mo hanggang sa iyong mukha;Ipapakita ko sa mga bansa ang iyong kahubaran,At sa mga kaharian ang iyong kahihiyan.   At tatapunan kita ng dumi,At gagawin kitang nakapandidiri;Pagtitinginan ka ng mga tao.+   Ang lahat ng makakakita sa iyo ay lalayo+ at magsasabi,‘Nawasak na ang Nineve! Sino ang makikiramay sa kaniya?’ Saan ako makakahanap ng aaliw sa iyo?   Nakahihigit ka ba kaysa sa No-amon,*+ na nasa tabi ng mga kanal ng Nilo?+ Napapalibutan siya ng tubig;Ang kaniyang yaman ay ang dagat, at ang kaniyang pader ay ang dagat.   Ang Etiopia ang pinagmumulan ng kaniyang di-nauubos na lakas, pati ang Ehipto. Ang Put+ at ang mga taga-Libya ang mga katulong mo.+ 10  Pero kahit siya ay ipinatapon;Dinala siyang bihag.+ Ang mga anak din niya ay pinagluray-luray sa kanto ng bawat kalye.* Ang kaniyang mararangal na lalaki ay pinagpalabunutan,At ikinadena ang paa ng lahat ng kaniyang dakilang tao. 11  Ikaw rin ay malalasing;+Ikaw ay magtatago. Maghahanap ka ng kublihan mula sa kaaway. 12  Ang lahat ng iyong tanggulan ay parang mga puno ng igos na may mga unang hinog na bunga;Kapag niyugyog ang mga ito, mahuhulog ang mga iyon sa bibig ng mga lumalamon. 13  Ang iyong mga hukbo ay parang mga babae. Ang mga pintuang-daan ng iyong lupain ay magiging bukas na bukas sa mga kaaway mo. Matutupok ng apoy ang mga halang ng iyong pintuang-daan. 14  Sumalok ka ng tubig para sa panahon ng pagsalakay* ng kaaway!+ Patibayin mo ang iyong mga tanggulan. Lumusong ka sa lusak at maglakad ka sa putik;Hawakan mo ang hulmahan ng laryo.* 15  Kahit doon ay lalamunin ka ng apoy. Pababagsakin ka ng espada.+ Lalamunin ka nitong gaya ng mga batang balang.+ Magparami kang gaya ng mga batang balang! Oo, magparami kang gaya ng mga balang! 16  Pinarami mo ang iyong mga negosyante nang higit kaysa sa mga bituin sa langit. Ang batang balang ay nagpapalit ng balat at lumilipad palayo. 17  Ang mga tagapagbantay mo ay parang balang,At ang mga opisyal mo ay gaya ng kulumpon ng balang. Kung malamig ang panahon, nagtatago sila sa mga batong pader,Pero kapag sumikat ang araw, lumilipad sila palayo;At walang nakaaalam kung nasaan sila. 18  Ang iyong mga pastol ay inaantok, O hari ng Asirya;Ang iyong mga maharlika ay hindi lumalabas ng tahanan nila. Ang iyong bayan ay nangalat sa kabundukan,At walang tumitipon sa kanila.+ 19  Walang kaginhawahan sa iyong kasakunaan. Hindi na gagaling ang sugat mo. Ang lahat ng makaririnig ng balita tungkol sa iyo ay papalakpak;+Dahil sino nga ba ang hindi nagdusa sa tindi ng kalupitan mo?”+

Talababa

O “panggagaway.” Tingnan sa Glosari.
Nineve.
Thebes.
Lit., “sa ulo ng lahat ng kalye.”
O “pagkubkob.”
Bloke na ginagamit sa pagtatayo; gawa sa pinatigas na putik.

Study Notes

Media