Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Siya ang Pipiliin Ko

Siya ang Pipiliin Ko

I-download:

  1. 1. Si Jesus ang liwanag

    Na laging susundan;

    Ang bawat hakbang

    Ay ginagabayan.

    Ako’y may tiwala

    At walang pangamba;

    Sa tamang landas

    Ay inaakay niya.

    (PAUNANG KORO)

    Bakit ko hahayaan

    Na ang puso ko’y madaya?

    Ang katapatan ko

    Ay patitibayin ko.

    (KORO)

    Siya ang pipiliin ko.

    Ako ay kay Jesus papanig.

    At kahit anong hadlang,

    Siya ang pipiliin

    At ’di lilimutin.

    At siya ang lagi kong susundin.

  2. 2. Sa kaniya ay may tunay

    Na kapanatagan.

    Ako’y mahal niya,

    ’Di pababayaan.

    Salamat, Jehova,

    Sa pag-asang taglay,

    Dahil ang Anak mo

    Ay ’yong ’binigay.

    (PAUNANG KORO)

    ’Di ko hahayaan

    Na ang puso ko’y madaya.

    Ang katapatan ko

    Ay patitibayin ko.

    (KORO)

    Siya ang pipiliin ko.

    Ako ay kay Jesus papanig.

    At kahit anong hadlang,

    Siya ang pipiliin

    At ’di lilimutin.

    At siya ang lagi kong susundin.

    (KORO)

    Siya ang pipiliin ko.

    Ako ay kay Jesus papanig.

    At kahit anong hadlang,

    Siya ang pipiliin

    At ’di lilimutin.

    At siya ang lagi kong susundin.

    Siya ang pipiliin ko.

    Alay ko ang katapatan ko.