Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tayo ay Isang Pamilya

Tayo ay Isang Pamilya

I-download:

  1. 1. Kay layo ng paglalakbay

    Sa aming patutunguhan.

    Pagpapala ng

    Diyos na Jehova

    Ay kaniyang ibinigay.

    Sulit ang lahat ng pagsisikap;

    Para ’to kay Jehova.

    Handang ipadama ang pagmamahal sa

    Ating kapatiran.

    (KORO)

    Tayo’y isang pamilya

    Na laging nagkakaisa.

    Kahit saanman sa mundo,

    Kami ay

    Kapamilya n’yo.

  2. 2. B’ong puso ang pagtanggap n’yo

    at mainit na pagbati.

    Napatibay rin sa ’ting kombensiyon

    At ang puso’y naantig;

    Ang lahat ng ito’y kay Jehova.

    Ginawa niyang posible.

    Siya ay laging purihin at laging ibigin,

    Saanman, kailanman.

    (KORO)

    Tayo’y isang pamilya

    Na laging nagkakaisa.

    Kahit saanman sa mundo,

    Kami ay

    Kapamilya n’yo.

  3. 3. Kahit nasa ibang bayan

    At iba ang kalagayan,

    Sa mga tao ay nangangaral;

    Kagalaka’y nadama.

    At walang kapantay ang pag-ibig

    Na aming naranasan.

    Laging tataglayin at pasisidhiin,

    Tunay na pag-ibig.

    (BRIDGE)

    O kay saya,

    Pamilya natin ay nagkakaisa,

    Sa Zambia, sa Mexico,

    Sa Japan o Jamaica.

    (KORO)

    Tayo’y isang pamilya

    Na laging nagkakaisa.

    Kahit saanman sa mundo,

    Kami ay

    Kapamilya n’yo.

    Pamilya ni Jehova

    Na laging nagkakaisa;

    Pinagbuklod ng pag-ibig,

    Saanman, magpakailan pa man!

    India, Malaysia, at New Caledonia—

    Igorot, Aeta, at Manobo—

    Azerbaijan, Kazakhstan, at Estonia—

    Kami ay kapamilya n’yo.