Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 106

Mahalaga ang Pag-ibig

Mahalaga ang Pag-ibig

(1 Corinto 13:1-8)

  1. 1. Ang mga katangian ng Diyos,

    Nais nating tularang lubos.

    Pinakamahalaga rito

    Ay ang pag-ibig niyang totoo.

    Walang saysay ang talino mo,

    Kung pag-ibig ay salat sa ’yo.

    Pag-ibig ay panatilihin

    Sa lahat ng ating gagawin.

  2. 2. Ang pag-ibig ay mapagbigay

    At di-makasariling tunay,

    Hindi nagtatanim ng galit,

    Nagpapatawad sa kapatid.

    Natitiis ang kahinaan,

    Kamalian ay tinatakpan.

    May hamon mang dumating sa ’yo,

    Sa pag-ibig ’di mabibigo.