Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 120

Tularan ang Kahinahunan ni Kristo

Tularan ang Kahinahunan ni Kristo

(Mateo 11:28-30)

  1. 1. Pinakadakilang tao si Kristo;

    Ngunit ambisyon ay wala sa puso.

    Kahit binigyan ng dakilang atas,

    Kailanman si Kristo’y ’di nagmataas.

  2. 2. Ang lahat ng taong nabibigatan,

    Nais niyang pasanin nila’y maibsan.

    At kung uunahin ang Kaharian,

    Kaginhawahan tiyak na makakamtan.

  3. 3. Tayo’y magkakapatid, ang sabi niya.

    Sa kapakumbabaan, tularan siya.

    Mga mahinahon ay mahal ng Diyos;

    Lupa’y kanilang mamanahing lubos.