AWIT 16
Purihin si Jehova Dahil sa Kaniyang Pinahiran
-
1. Pinahiran ni Jehova,
Ngayo’y naghahari na.
Ang trono niya’y makatarungan;
Pagpapalain ang lupa.
(KORO)
Purihin ninyo si Jehova,
ninyong matapat na tupa,
Kay Kristo’y tapat na sumusunod
at tinutularan siya.
Purihin ninyo si Jehova,
Pinahiran niya’y Hari na.
Pinahiran upang parangalan
banal na pangalan niya.
-
2. Mga kapatid ni Kristo,
Tinawag at pinili,
Sa Kaharian ay kasama,
Sa lupa ay maghahari.
(KORO)
Purihin ninyo si Jehova,
ninyong matapat na tupa,
Kay Kristo’y tapat na sumusunod
at tinutularan siya.
Purihin ninyo si Jehova,
Pinahiran niya’y Hari na.
Pinahiran upang parangalan
banal na pangalan niya.
(Tingnan din ang Kaw. 29:4; Isa. 66:7, 8; Juan 10:4; Apoc. 5:9, 10.)