Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 34

Lumalakad Nang Tapat

Lumalakad Nang Tapat

(Awit 26)

  1. 1. O Jehova, ako ay hatulan.

    Aking katapatan nawa ay pagmasdan.

    Suriin mo, ako ay subukin.

    Puso’t isipan ko ay ’yong dalisayin.

    (KORO)

    Para sa ’kin, aking kapasiyahan,

    Lumakad nang tapat magpakailan pa man.

  2. 2. Ang masama ay ’di ko kaibigan.

    Iniiwasan ang mga mapanlinlang.

    Sa mapagkunwari’y hihiwalay.

    Sa makasalanan, huwag sanang idamay.

    (KORO)

    Para sa ’kin, aking kapasiyahan,

    Lumakad nang tapat magpakailan pa man.

  3. 3. Iniibig ko ang ’yong tahanan.

    Sumasamba sa ’yo nang may kalinisan.

    Sa ’yong altar ay lilibot ako,

    Para iparinig pasasalamat ko.

    (KORO)

    Para sa ’kin, aking kapasiyahan,

    Lumakad nang tapat magpakailan pa man.

(Tingnan din ang Awit 25:2.)