Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 66

Ihayag ang Mabuting Balita

Ihayag ang Mabuting Balita

(Apocalipsis 14:6, 7)

  1. 1. Lihim ng Kaharian noo’y nakakubli.

    Ngayo’y hayag na ang ’pinangakong Hari.

    Dahil sa awa’t kat’wiran ni Jehova,

    Makasalanang tao ay nilingap niya.

    Anak niya ang maghahari sa Kaharian;

    Sa takdang panahon Kaharia’y

    isisilang.

    Kaniyang Anak ay bibigyan ng ’sang nobya;

    Munting kawan ang napiling kasama niya.

  2. 2. Mabuting balitang ito’y inihula.

    Ngayo’y nais ng Diyos malaman ng madla.

    Mga anghel dito ay may bahagi rin,

    Sila’y pumapatnubay sa ’ting gawain.

    Ito’y ating tungkulin at karangalan,

    Bilang kaniyang Saksi,

    ang Diyos ay papurihan.

    Pangalan niya’y karangalan nating dalhin.

    Mabuting balita ay ihayag natin.