Pumunta sa nilalaman

Wallkill Photo Gallery 2 (Nobyembre 2014 Hanggang Nobyembre 2015)

Wallkill Photo Gallery 2 (Nobyembre 2014 Hanggang Nobyembre 2015)

Pinalawak at ni-renovate kamakailan ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga pasilidad sa Wallkill, New York. Makikita sa photo gallery ang pagsulong ng proyekto mula Nobyembre 2014 hanggang Nobyembre 2015.

Larawan ng pasilidad sa Wallkill noong Oktubre 15, 2015, kuha mula sa himpapawid.

  1. Printery

  2. Office Building 1

  3. Residence E

  4. Dining room

  5. Laundry/dry cleaning

  6. Office Building 2

  7. Residence D

Disyembre 4, 2014​—Office Building 2

Ang harapan ng bagong office building ay inihahanda para sa pagsesemento at pagla-landscape. Ang sidewalk sa gawing kaliwa sa ibaba ay may heater, na proteksiyon para hindi madulas ang mga dumaraan doon sa panahon ng taglamig. Nasa gusaling ito ang Bethel Office, Branch Committee Office, at Service Department.

Disyembre 5, 2014​—Residence D

Isang miyembro ng Interiors Department ang gumagamit ng grinder bago ilagay ang flooring. Ang grinder ay nakakabit sa isang vacuum para mabawasan ang alikabok.

Enero 9, 2015​—Residence E

Ang ni-remodel na rotunda ang unang makikita ng mga bisita at ng mahigit 200 Bethelite na nakatira sa E Residence. Kasama sa renovation ng gusaling ito ang paglalagay ng mga bintanang matipid sa enerhiya at bagong fire-alarm system.

Pebrero 9, 2015​—Printery

Isang teknisyan ang nagkakabit ng mga kawad sa telecommunications equipment para sa bagong Technical Training facility. Ang pasilidad na ito ay ginawa para bigyan ang mga manggagawa ng kinakailangang kasanayan sa mga larangang gaya ng plumbing, electrical maintenance, at safety.

Pebrero 17, 2015​—Printery

Isang elektrisyan ang nagkakabit ng ilaw na LED sa bagong pasilidad para sa Technical Training Department.

Marso 2, 2015​—Office Building 1

Sinusukat ng isang manggagawa ang pagitan ng mga electrical conduit. Ni-renovate ang bahaging ito para dito ilagay ang mga departamento ng tanggapang pansangay na inilipat mula sa Brooklyn.

Marso 3, 2015​—Residence D

Isang tubero ang gumagawa ng mga tubo na daraanan ng mainit na tubig.

Marso 31, 2015​—Residence D

Sakay ng boom lift, ang mga manggagawa sa Exteriors Department ay naglalagay ng sealant sa bintana. Ang mga bintanang ito na matipid sa enerhiya, 298 sa gusaling ito, ay nakakabawas sa gastusin sa enerhiya sa tag-init at taglamig.

Abril 17, 2015​—Office Building 1

Gamit ang mga bato ng orihinal na pader na mula pa noong dekada ’70, muling itinatayo ng mga kantero ang isang pader sa gitnang parking lot, na nasa pagitan ng Office Building 1 at E Residence.

Abril 17, 2015​—Office Building 1

Nililiha ng isang drywall finisher ang dingding bago ito pinturahan. Nasa ni-renovate na gusaling ito ang mga departamento ng Accounting, Computer, at Purchasing.

Hunyo 8, 2015​—Residence D

Hinihila ng elektrisyan ang kawad patungo sa bubong para ikabit ito sa isang lightning rod. Kapag tinamaan ng kidlat ang rod, dumederetso ang enerhiya sa lupa para hindi mapinsala ang gusali.

Hunyo 8, 2015​—Residence D

Noong panahon ng proyekto sa Wallkill, sinikap na maingatan ang kasalukuyang landscape, kasama ang maraming puno na makikita sa larawan. Ang mataas na tangke ng tubig sa kaliwa, na naglalaman ng mga 150,000 litro (40,000 galon), ay mahalaga para sa suplay ng tubig at sa mga sistemang pamatay-sunog sa Wallkill.

Hunyo 25, 2015​—Office Building 1

Ikinakabit ng isang karpintero ang ilan sa 1,800 bloke ng cherrywood sa dingding sa likod ng awditoryum. Ang mga blokeng ito, na may iba’t ibang kapal, ay nakakabawas sa echo.

Hulyo 9, 2015​—Office Building 2

Si Charles Reed ay naglilingkod na sa Bethel mula pa noong 1958. Tumulong si Brother Reed sa pagdidisenyo at paglalagay ng mga concrete pad para sa mga imprentahan noong ang Brooklyn Bethel ay gumagawa pa ng literatura para sa United States at sa iba pang mga bansa. Noong panahon ng proyekto sa Wallkill, kasama si Brother Reed sa quality control team.

Agosto 17, 2015​—Office Building 1

Idinidiskarga ng mga manggagawa ang bagong mga upuan para sa awditoryum. Magkakasiya sa ni-renovate na awditoryum ang 812 katao.

Setyembre 21, 2015​—Office Building 1

Kasama sa renovation ng awditoryum ang paglalagay ng mga video monitor at acoustic ceiling panel.

Oktubre 12, 2015​—Residence D

Inaayos ang nurses’ station sa ni-renovate na infirmary. Para maging maginhawa sa mga pasyente, niluwagan ang mga pasilyo at pinalaki ang mga banyo.

Oktubre 15, 2015​—Wallkill site

Larawan ng pasilidad sa Wallkill, kuha mula sa himpapawid; ito ang tirahan ng mga 2,000 miyembro ng pamilyang Bethel. Ang kalakhang bahagi ng proyekto—na binubuo ng mahigit 102,000 metro kuwadrado (1.1 milyong piye kuwadrado) ng bagong-tayo o ni-renovate na mga gusali—ay natapos noong Nobyembre 30, 2015.