Unang Liham kay Timoteo 6:1-21

6  Para sa mga alipin, dapat na patuloy nilang ituring ang may-ari sa kanila na karapat-dapat sa buong karangalan+ para hindi mapagsalitaan ng masama ang pangalan ng Diyos at ang mga turo niya.+  Isa pa, hindi dapat mawala ang paggalang nila sa mga may-ari sa kanila kahit pa magkapatid sila sa pananampalataya. Sa halip, dapat na mas handa pa silang maglingkod, dahil ang tatanggap ng kanilang mahusay na serbisyo ay mga mananampalataya at minamahal. Patuloy mong ituro ang mga ito at ibigay ang mga payong ito.  Kung may sinumang nagtuturo ng ibang doktrina at sumasalungat sa kapaki-pakinabang na mga tagubilin+ mula sa ating Panginoong Jesu-Kristo o sa turo na kaayon ng makadiyos na debosyon,+  mapagmalaki siya at hindi nakakaintindi.+ Gustong-gusto niyang makipagtalo at makipagdebate tungkol sa mga salita.+ Dahil sa mga ito, nagkakaroon ng inggitan, pag-aaway, paninirang-puri, masamang hinala,  walang-katapusang pagtatalo tungkol sa maliliit na bagay na pinasisimulan ng mga taong baluktot ang isip+ at hindi na nakauunawa sa katotohanan at nag-aakalang makakakuha sila ng pakinabang sa makadiyos na debosyon.+  Totoo, may malaking pakinabang sa makadiyos na debosyon,+ pero dapat na may kasama itong pagkakontento.  Dahil wala tayong dinalang anuman sa mundo, at wala rin tayong anumang mailalabas.+  Kaya maging kontento na tayo kung mayroon tayong pagkain at damit.+  Pero ang mga determinadong yumaman ay nahuhulog sa tukso at sa bitag+ at sa maraming walang-saysay at nakapipinsalang pagnanasa, na nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at kapahamakan.+ 10  Dahil ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang bagay,+ at dahil sa pagpapadala sa pag-ibig na ito, ang ilan ay nailihis sa pananampalataya at dumanas ng maraming kirot.+ 11  Pero, ikaw, O lingkod ng Diyos, layuan mo ang mga ito. Itaguyod mo ang katuwiran, makadiyos na debosyon, pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan.+ 12  Ipagpatuloy mo ang marangal na pakikipaglaban para sa pananampalataya;+ manghawakan kang mahigpit sa buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Diyos para sa buhay na ito at nagbigay ka ng mahusay na patotoo tungkol dito sa harap ng maraming saksi. 13  Sa harap ng Diyos, na nagpapanatiling buháy* sa lahat ng bagay, at ni Kristo Jesus, na nagbigay ng mahusay na patotoo sa harap ni Poncio Pilato,+ inuutusan kita 14  na sundin ang mga utos sa malinis at di-mapipintasang paraan hanggang sa pagkakahayag ng ating Panginoong Jesu-Kristo,+ 15  na ipapakita sa takdang panahon ng maligaya at tanging Makapangyarihang Tagapamahala. Siya ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon,+ 16  ang nag-iisang imortal,+ na naninirahan sa di-malapitang liwanag,+ na hindi pa nakita at hindi makikita ng sinumang tao.+ Sumakaniya nawa ang karangalan at kalakasan na walang hanggan. Amen. 17  Sabihan mo ang mayayaman sa sistemang ito na huwag maging mayabang at huwag umasa sa kayamanan na walang katiyakan+ kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng bagay na nagpapasaya sa atin.+ 18  Sabihan mo silang gumawa ng mabuti, oo, ng maraming mabubuting bagay, at maging mapagbigay at handang mamahagi.+ 19  Sa paggawa nito, makapag-iipon sila ng kayamanan na magsisilbing mahusay na pundasyon para sa hinaharap,+ nang sa gayon ay makapanghawakan silang mahigpit sa tunay na buhay.+ 20  Timoteo, bantayan mo ang ipinagkatiwala sa iyo,+ at iwasan mo ang walang-saysay na mga usapan na lumalapastangan sa kung ano ang banal at ang nagkakasalungatang mga ideya ng tinatawag na “kaalaman.”+ 21  Dahil sa pagyayabang sa kaalamang ito, ang ilan ay lumihis sa pananampalataya. Sumainyo nawa ang walang-kapantay na kabaitan.

Talababa

O posibleng “na nagbibigay-buhay.”

Study Notes

Ang Kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito: Hindi direktang sinagot ni Jesus ang tanong ni Pilato na “Ano ba ang ginawa mo?” (Ju 18:35) Nagpokus siya sa unang tanong ni Pilato, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” (Ju 18:33) Sa maikling sagot ni Jesus, tatlong beses niyang binanggit ang Kaharian kung saan siya aatasan bilang Hari. Sinabi niyang “hindi bahagi ng sanlibutang ito” ang Kaharian niya para linawin na hindi galing sa tao ang Kahariang iyon. Kaayon ito ng naunang mga pagtukoy sa Kahariang iyon, gaya ng “Kaharian ng langit” o “Kaharian ng Diyos.” (Mat 3:2; Mar 1:15) Sinabi rin ni Jesus na ang mga alagad niya ay “hindi . . . bahagi ng sanlibutan,” na tumutukoy sa di-matuwid na lipunan ng tao na hiwalay sa Diyos at sa mga lingkod niya. (Ju 17:14, 16) Makikita rin sa sinabi ni Jesus kay Pedro nang gabing iyon na hindi dapat makipaglaban ang mga tagasunod niya para ipagtanggol siya gaya ng gagawin ng mga tagasuporta ng isang taong hari.—Mat 26:51, 52; Ju 18:11.

mga panginoon ninyo: O “mga taong panginoon ninyo.” Dito, pinapayuhan ni Pablo ang mga aliping Kristiyano na maging masunurin sa mga panginoon nila sa lupa. Pero kailangang tandaan ng mga aliping Kristiyano, pati na ng mga panginoon nila, na may mas mataas silang Panginoon na nasa langit.—Efe 6:9.

hindi lang kapag may nakatingin sa inyo, para matuwa sa inyo ang mga tao: Ang isang aliping Kristiyano ay dapat na maging masunurin at masipag, hindi lang kapag nakatingin ang panginoon niya. Sa halip, dapat siyang maglingkod nang ‘buong kaluluwa’ at may takot kay Jehova.—Efe 6:5-8; Col 3:22-25.

mga alipin: O “mga nasa ilalim ng pamatok ng pagkaalipin.” Ang salitang “pamatok” ay kadalasan nang ginagamit noon sa makasagisag na paraan para tumukoy sa pagiging alipin o paglilingkod sa isang panginoon. (Tit 2:9, 10; 1Pe 2:18; tingnan sa Glosari, “Pamatok.”) Maraming alipin sa Imperyo ng Roma, kasama na ang ilang Kristiyano. Hindi itinaguyod at hindi rin binatikos ng mga tagasunod ni Jesus ang kaayusan ng gobyerno noon sa pagkakaroon ng alipin. (1Co 7:20, 21) Hindi nakialam si Jesus sa mga usaping panlipunan, at sinabi rin niya sa mga tagasunod niya na “hindi sila bahagi ng sanlibutan.” (Ju 17:14) Nagpokus si Jesus sa pangangaral ng Kaharian ng Diyos, na tatapos sa lahat ng uri ng kalupitan at kawalang-katarungan.—Tingnan ang study note sa Ju 18:36; tingnan din sa Media Gallery, “Trabaho ng Isang Alipin.”

patuloy nilang ituring ang may-ari sa kanila na karapat-dapat sa buong karangalan: Pinayuhan ni Pablo ang mga Kristiyanong alipin na igalang ang kanilang mga panginoon. Makikita ang saloobin ng isang alipin sa kaniyang mga ginagawa, kung responsable siya sa trabaho niya. Kapag hindi niya nirerespeto ang panginoon niya, ipinapakita nito na hindi niya isinasabuhay ang mga natututuhan niya bilang Kristiyano. Makakasira din siya sa pangalan ng Diyos.—Col 3:22, 23; tingnan ang study note sa Efe 6:5, 6.

mga may-ari sa kanila kahit pa magkapatid sila sa pananampalataya: Ipinapaliwanag dito ni Pablo ang dapat gawin kapag parehong Kristiyano ang alipin at ang panginoon nito. Bilang “mga kasamang tagapagmana ni Kristo,” kapantay lang ng mga alipin ang kanilang mga panginoon sa harap ng Diyos. (Ro 8:17) Kaya pinayuhan ni Pablo ang mga Kristiyanong alipin na huwag abusuhin ang kanilang panginoon—na kapatid din nila sa espirituwal—at ibigay pa rin ang buong makakaya nila sa pagtatrabaho. Dahil mahal ng alipin ang kapatid niya, mas lalo pa nga siyang dapat maging tapat at masipag sa paglilingkod. May pananagutan din ang mga Kristiyanong panginoon na pakitunguhan nang patas ang kanilang alipin.—Efe 6:9; Col 4:1.

kapaki-pakinabang na mga salita: Ang ekspresyong Griego para sa “kapaki-pakinabang na mga salita” ay isinaling “kapaki-pakinabang na mga tagubilin” sa 1Ti 6:3. Ipinaliwanag doon ni Pablo na ang tagubiling iyon ay “mula sa ating Panginoong Jesu-Kristo.” Kaya ang pariralang ito ay tumutukoy sa tunay na mga turong Kristiyano. (Tingnan ang study note sa 1Ti 6:3.) Kaayon ng lahat ng iba pang turo ng Bibliya ang mga itinuro at ginawa ni Jesus, kaya ang ekspresyong “kapaki-pakinabang [lit., “nakapagpapalusog”] na mga salita” ay puwede ring tumukoy sa lahat ng turo ng Bibliya.

makadiyos na debosyon: Ang salitang Griego na ginamit dito (eu·seʹbei·a) ay tumutukoy sa matinding paggalang at paghanga sa Diyos na ipinapakita ng isang Kristiyano sa pamamagitan ng paglilingkod nang tapat at lubusang pagsunod sa Diyos. Malawak ang kahulugan ng salitang ito; tumutukoy rin ito sa tapat na pag-ibig o malapít na kaugnayan sa Diyos ng isang tao na nag-uudyok sa kaniya na gawin ang gusto ng Diyos. Kaya binanggit sa isang diksyunaryo na ang pinakadiwa talaga ng salitang ito ay “mamuhay sa paraang gusto ng Diyos.” Ipinakita rin ni Pablo na hindi tayo ipinanganak na may makadiyos na debosyon. Kaya pinayuhan niya si Timoteo na magsikap nang husto gaya ng isang atleta para mapasulong pa ang ganitong katangian. Sa naunang bahagi ng liham na ito, ipinaalala ni Pablo kay Timoteo na si Jesu-Kristo ang pinakamahusay na halimbawa sa pagpapakita ng makadiyos na debosyon.—Tingnan ang study note sa 1Ti 3:16.

makadiyos na debosyon: Ang terminong Griego na ginamit dito (eu·seʹbei·a) ay tumutukoy sa matinding paggalang sa Diyos. (Para sa paliwanag sa ekspresyong Griego na isinalin ditong “makadiyos na debosyon,” tingnan ang study note sa 1Ti 4:7.) Ginamit din sa Septuagint ang salitang Griegong ito. Halimbawa, lumitaw ito sa Isa 11:2 at 33:6, kung saan ginamit sa tekstong Hebreo ang “pagkatakot kay Jehova,” na tumutukoy rin sa matinding paggalang sa Diyos na Jehova. Nang isalin ang 1Ti 2:2 sa Syriac (ang Peshitta) noong ikalimang siglo C.E., ang terminong Griegong ito ay isinaling “matinding paggalang sa Diyos,” kung saan sadyang isinama ang salitang “Diyos.” Nang maglaon, sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, isinalin ang eu·seʹbei·a na “pagkatakot kay Jehova” sa talatang ito at sa iba pang teksto kung saan ito lumitaw. (1Ti 3:16; 4:7, 8; 6:3, 6, 11) Pero naniniwala ang New World Bible Translation Committee na walang sapat na basehan ang paggamit ng pangalan ng Diyos sa mismong teksto ng talatang ito.—Tingnan ang Ap. C, kung saan ipinaliwanag ang mga dahilan sa pagbabalik ng pangalan ng Diyos sa ilang talata; ihambing ang study note sa Ro 10:12.

kapaki-pakinabang na mga tagubilin: Tinutukoy dito ni Pablo ang mga turo ng Panginoong Jesu-Kristo. Dahil kaayon ng buong Kasulatan ang lahat ng itinuro ni Jesus, puwede ring tumukoy ang ekspresyong “kapaki-pakinabang [lit., “nakapagpapalusog”] na mga tagubilin” sa lahat ng turo sa Bibliya.—Tingnan ang study note sa 2Ti 1:13.

makadiyos na debosyon: Para sa paliwanag sa ekspresyong “makadiyos na debosyon,” tingnan ang study note sa 1Ti 4:7; tingnan din ang study note sa 1Ti 2:2.

Gustong-gusto niyang makipagtalo: Ang pandiwang Griego para sa “gustong-gusto” ay literal na nangangahulugang “may sakit,” pero ginamit ito dito sa makasagisag na paraan. Puwede ring isalin ang pariralang ito na “Nahihibang siya sa pakikipagtalo.” Kabaligtaran ito ng “kapaki-pakinabang na mga tagubilin” mula kay Kristo na kababanggit lang ni Pablo.—Tingnan ang study note sa 1Ti 6:3.

makipagdebate tungkol sa mga salita: Lit., “makipaglaban tungkol sa mga salita.” Ang mga ‘gustong-gustong makipagtalo’ ay madalas makipagdebate sa maliliit na bagay para ituro ang sarili nilang paniniwala, hindi ang sa Diyos. Dahil sa mga iyon, ‘nagkakaroon ng inggitan at pag-aaway’ na puwede ring humantong sa paninirang-puri (sa Griego, bla·sphe·miʹa), o sa mapang-abusong pananalita na sumisira sa reputasyon ng iba.—Tingnan ang study note sa Col 3:8.

mapang-abusong pananalita: Ang ginamit dito ni Pablo na salitang Griego ay bla·sphe·miʹa, na kadalasang isinasaling “pamumusong” kapag tumutukoy ito sa walang-galang na pananalita laban sa Diyos. (Apo 13:6) Pero noon, hindi lang tumutukoy sa pang-iinsulto sa Diyos ang terminong ito. Puwede rin itong tumukoy sa pagsasabi ng masama o paninira sa kapuwa, at ganiyan ang pagkakagamit ni Pablo sa salitang ito batay sa konteksto. (Tingnan din ang Efe 4:31.) Sa ibang salin, ang ginamit sa talatang ito ay “paninirang-puri” at “pang-iinsulto.” Ganito ang sinabi ng isang reperensiya tungkol sa terminong ito: “Ipinapahiwatig nito ang panghahamak ng isa sa kapuwa niya at ang pagsisikap niyang sirain ang reputasyon nito.”

kapaki-pakinabang na mga tagubilin: Tinutukoy dito ni Pablo ang mga turo ng Panginoong Jesu-Kristo. Dahil kaayon ng buong Kasulatan ang lahat ng itinuro ni Jesus, puwede ring tumukoy ang ekspresyong “kapaki-pakinabang [lit., “nakapagpapalusog”] na mga tagubilin” sa lahat ng turo sa Bibliya.—Tingnan ang study note sa 2Ti 1:13.

makadiyos na debosyon: Ang terminong Griego na ginamit dito (eu·seʹbei·a) ay tumutukoy sa matinding paggalang sa Diyos. (Para sa paliwanag sa ekspresyong Griego na isinalin ditong “makadiyos na debosyon,” tingnan ang study note sa 1Ti 4:7.) Ginamit din sa Septuagint ang salitang Griegong ito. Halimbawa, lumitaw ito sa Isa 11:2 at 33:6, kung saan ginamit sa tekstong Hebreo ang “pagkatakot kay Jehova,” na tumutukoy rin sa matinding paggalang sa Diyos na Jehova. Nang isalin ang 1Ti 2:2 sa Syriac (ang Peshitta) noong ikalimang siglo C.E., ang terminong Griegong ito ay isinaling “matinding paggalang sa Diyos,” kung saan sadyang isinama ang salitang “Diyos.” Nang maglaon, sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, isinalin ang eu·seʹbei·a na “pagkatakot kay Jehova” sa talatang ito at sa iba pang teksto kung saan ito lumitaw. (1Ti 3:16; 4:7, 8; 6:3, 6, 11) Pero naniniwala ang New World Bible Translation Committee na walang sapat na basehan ang paggamit ng pangalan ng Diyos sa mismong teksto ng talatang ito.—Tingnan ang Ap. C, kung saan ipinaliwanag ang mga dahilan sa pagbabalik ng pangalan ng Diyos sa ilang talata; ihambing ang study note sa Ro 10:12.

kontento: Ang mga salitang Griego na isinaling “hindi . . . magkulang sa mga pangangailangan,” “kontento,” o “pagkakontento” (2Co 9:8; Fil 4:11; 1Ti 6:6) ay tumutukoy sa pagiging masaya sa kung ano ang mayroon ang isa o pagkakaroon ng sapat nang hindi na kailangang umasa sa iba. Dahil sa mga naranasan ni Pablo sa mga paglalakbay niya, natuto siyang makibagay sa iba’t ibang kalagayan. Masaya siya at kontento sa anumang atas na ibigay sa kaniya ni Jehova. (Fil 4:12, 13) Tinularan niya si Jesus, na hindi nagpayaman o nagtayo ng sariling bahay. (Mat 8:20) Kagaya ni Jesus, nagpokus siya sa paggawa ng kalooban ng Diyos at nagtiwala na ilalaan ni Jehova ang pangunahin niyang mga pangangailangan.—Heb 13:5.

may malaking pakinabang sa makadiyos na debosyon: Dalawang beses na ginamit ni Pablo ang isang salitang Griego (isinaling “pakinabang” at “makakakuha . . . ng pakinabang”) sa dalawang magkasunod na pangungusap. Sa talata 5, tinukoy niya ang huwad na mga guro na nagkukunwaring may makadiyos na debosyon para ‘makakuha ng pakinabang’ sa kongregasyon. Posibleng nagpapabayad sila sa pagtuturo nila, o baka gumagawa pa sila ng ibang paraan para makakuha ng materyal na pakinabang sa mga kapatid. (2Ti 3:6; Tit 1:11; tingnan ang study note sa 2Co 2:17.) O puwedeng itinuturo nila na ang pagkakaroon ng makadiyos na debosyon ay paraan para yumaman. Ibang-iba ito sa sinabi ni Pablo na mas “malaking pakinabang,” na tumutukoy sa mga espirituwal na pagpapala ng isang Kristiyano sa pagkakaroon ng makadiyos na debosyon.

makadiyos na debosyon: Para sa paliwanag sa ekspresyong “makadiyos na debosyon,” tingnan ang study note sa 1Ti 4:7; tingnan din ang study note sa 1Ti 2:2.

pero dapat na may kasama itong pagkakontento: Dito, iniugnay ni Pablo sa makadiyos na debosyon ang pagkakontento, isang katangian na ibang-iba sa pagiging ambisyoso at materyalistiko ng huwad na mga guro. (1Ti 6:8) Kapag kontento ang isang lingkod ng Diyos, masaya siya at may kapayapaan ng isip.—Tingnan ang study note sa Fil 4:11.

dahil hindi kami tagapaglako ng salita ng Diyos: O “dahil hindi namin ibinebenta [o, “pinagkakakitaan”] ang mensahe ng Diyos.” Di-gaya ng huwad na mga guro, malinis ang motibo ni Pablo, ng mga apostol, at ng mga kasama nila sa pangangaral ng dalisay na mensahe ng Diyos. Ang pandiwang Griego na isinalin ditong “tagapaglako” (ka·pe·leuʹo) ay tumutukoy noong una sa nagbebenta nang patingi-tingi o sa may-ari ng isang bahay-tuluyan, pero sa paglipas ng panahon, tumutukoy na rin ito sa isang taong mapandaya at sakim. Isang kaugnay na salitang Griego ang ginamit sa Isa 1:22 ng Septuagint, sa pariralang “ang iyong mga tagabenta ng alak [“may-ari ng taberna”] ay naghahalo ng tubig sa alak.” Sa mga Griego at Romano noon, hinahaluan muna ng tubig ang alak bago inumin. Para kumita ng mas malaki, dinadagdagan ng ilan ang tubig na inihahalo nila sa alak. Kaya sinasabi ng ilang iskolar na ang nasa isip dito ni Pablo ay ang madadayang tagabentang ito ng alak. Ginamit din ang metaporang ito sa mga literaturang Griego noon para ilarawan ang mga pilosopong nagpapalipat-lipat ng lugar para pagkakitaan ang mga turo nila. Nang banggitin ni Pablo ang maraming tagapaglako ng salita ng Diyos, lumilitaw na ang nasa isip niya ay ang huwad na mga ministro na nagdadagdag ng mga pilosopiya ng tao, tradisyon, at maling relihiyosong turo sa Salita ni Jehova. Dahil diyan, nasisira nila ang pagiging dalisay ng salita ng Diyos; nababawasan ang bango at sarap nito at humihina ang kakayahan nitong makapagpasaya sa tao.—Aw 104:15; tingnan ang study note sa 2Co 4:2.

makadiyos na debosyon: Ang salitang Griego na ginamit dito (eu·seʹbei·a) ay tumutukoy sa matinding paggalang at paghanga sa Diyos na ipinapakita ng isang Kristiyano sa pamamagitan ng paglilingkod nang tapat at lubusang pagsunod sa Diyos. Malawak ang kahulugan ng salitang ito; tumutukoy rin ito sa tapat na pag-ibig o malapít na kaugnayan sa Diyos ng isang tao na nag-uudyok sa kaniya na gawin ang gusto ng Diyos. Kaya binanggit sa isang diksyunaryo na ang pinakadiwa talaga ng salitang ito ay “mamuhay sa paraang gusto ng Diyos.” Ipinakita rin ni Pablo na hindi tayo ipinanganak na may makadiyos na debosyon. Kaya pinayuhan niya si Timoteo na magsikap nang husto gaya ng isang atleta para mapasulong pa ang ganitong katangian. Sa naunang bahagi ng liham na ito, ipinaalala ni Pablo kay Timoteo na si Jesu-Kristo ang pinakamahusay na halimbawa sa pagpapakita ng makadiyos na debosyon.—Tingnan ang study note sa 1Ti 3:16.

wala rin tayong anumang mailalabas: May mga kahawig itong kasabihan ng mga Griego at Romano noon. Pero daan-daang taon pa bago nito, ginabayan ng espiritu si Haring Solomon na isulat: “Kung paanong hubad ang isang tao nang lumabas sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din siya kapag namatay. Wala siyang madadalang anuman sa mga pinagpaguran niya.” (Ec 5:15; tingnan din ang Job 1:21; Aw 49:17.) Ito rin ang aral na itinuro ni Jesus sa ilustrasyon niya tungkol sa taong mayaman. (Luc 12:16-21) Kaya naman hinimok ni Pablo ang mga Kristiyano na iwasang maging sakim at materyalistiko, at sa halip, mamuhay nang may makadiyos na debosyon at maging kontento.—1Ti 6:6, 8-10.

damit: O posibleng “tirahan.” Ang terminong Griego na ginamit dito ay literal na nangangahulugang “panakip.” Sa talatang ito, lumilitaw na pangunahin na itong tumutukoy sa damit, pero puwede rin itong tumukoy sa tirahan.

ang mga determinadong yumaman: Hindi tinutukoy dito ni Pablo ang mga paminsan-minsang nag-iisip na gusto nilang magkapera; tinutukoy niya dito ang mga may tunguhin talagang yumaman. Mali ang pananaw nila sa pera dahil may halo na itong kasakiman. Puwedeng magkaroon ng ganitong kaisipan kahit sino, mayaman man o mahirap.

nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at kapahamakan: Ipinapahamak ng mga determinadong yumaman ang sarili nila sa pisikal, emosyonal, at espirituwal. Ang salitang Griego para sa “nagbubulusok” ay nangangahulugang “hatakin pababa,” o “palubugin.” Sa Luc 5:7, ginamit ang literal na kahulugan ng salitang ito, noong banggitin doon na lumubog ang dalawang bangka dahil sa sobrang dami ng nahuling isda. Ipinapahiwatig ng salitang ito na ang “determinadong yumaman” ay siguradong “[mahuhulog] sa tukso . . . at nakapipinsalang pagnanasa” na puputol sa kaugnayan niya kay Jehova at sisira sa buhay niya.

di-matuwid na mga kayamanan: Ang salitang Griego na ma·mo·nasʹ (mula sa salitang Semitiko) ay karaniwang tumutukoy sa pera o kayamanan. (Tingnan ang study note sa Mat 6:24.) Maliwanag na di-matuwid ang tingin ni Jesus sa kayamanang ito dahil makasalanang mga tao ang gumagamit nito, karaniwan nang ginagamit ito para sa makasariling mga kagustuhan, at kadalasan nang nakukuha ito sa maling paraan. Ang pagkakaroon o ang kagustuhang magkaroon ng materyal na kayamanan ay puwedeng magtulak sa isa na gumawa ng masama. Nawawalan ng halaga ang materyal na kayamanan, kaya ang isang taong mayaman ay hindi dapat magtiwala rito. (1Ti 6:9, 10, 17-19) Sa halip, dapat niya itong gamitin para makipagkaibigan kay Jehova at kay Jesus, na puwedeng tumanggap sa isang tao sa walang-hanggang mga tirahan.

hindi maibigin sa pera: Kung pangunahin sa isang tao ang pagkakaroon ng materyal na kayamanan, hindi niya mapapastulang mabuti ang “kawan ng Diyos.” (1Pe 5:2) Kapag nakapokus siya sa materyal na mga bagay sa sanlibutang ito, hindi niya matutulungan ang mga lingkod ng Diyos na magpokus sa pag-abot sa buhay na walang hanggan sa “darating na sistema.” (Luc 18:30) At hindi niya matuturuan ang iba na “umasa . . . sa Diyos” kung siya mismo ay umaasa sa “kayamanan na walang katiyakan.” (1Ti 6:17) Kaya hindi puwedeng maging tagapangasiwa ang taong “maibigin sa pera.” Ang kuwalipikasyong ito para sa mga tagapangasiwa ay kaayon ng payo ng Bibliya para sa lahat ng Kristiyano.—Mat 6:24; 1Ti 6:10; Heb 13:5.

anak ng pagkapuksa: Sa kontekstong ito, tumutukoy ang ekspresyong ito kay Hudas Iscariote, na naging karapat-dapat sa pagkapuksa magpakailanman at wala nang pag-asang mabuhay muli dahil sa pagtatraidor niya sa Anak ng Diyos. Ginamit din ang ekspresyong ito sa 2Te 2:3 para tumukoy sa “napakasamang tao.” Sa orihinal na wika, ang terminong “anak ng” ay ginagamit kung minsan para tumukoy sa isa na tumatahak sa isang partikular na landasin o kilalá sa isang partikular na katangian. Ang ilang halimbawa ay “anak ng Kataas-taasan,” “anak ng liwanag at anak ng araw,” “anak ng Kaharian,” “anak ng masama,” “anak ng Diyablo,” at “anak ng pagsuway.” (Luc 6:35; 1Te 5:5; Mat 13:38; Gaw 13:10; Efe 2:2, tlb.) Gayundin, ang ekspresyong “anak ng” ay puwedeng tumukoy sa kahihinatnan ng isa o sa hatol na tatanggapin niya dahil sa pagtahak sa isang partikular na landasin o pagpapakita ng isang partikular na katangian. Sa 2Sa 12:5, ang ekspresyong isinaling “dapat mamatay” ay “anak ng kamatayan” sa literal. Sa Mat 23:15, ang literal na ekspresyong “anak ng Gehenna” ay tumutukoy sa isa na karapat-dapat sa pagkapuksa magpakailanman, at lumilitaw na ito ang ibig sabihin ni Jesus nang tawagin niya si Hudas Iscariote na “anak ng pagkapuksa.”—Tingnan ang study note sa Mat 23:15 at Glosari, “Gehenna.”

pag-ibig sa pera: Posibleng galing sa isang kilaláng kasabihan noong panahon ni Pablo ang sinabi niya na “ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang bagay” ang pag-ibig sa pera. Hindi niya sinabing masama ang pera dahil may pakinabang din ito sa ngayon. (Ec 7:12; 10:19) Ang pag-ibig sa pera ang talagang masama. Sa talata 5, sinabi ni Pablo na may pag-ibig sa pera ang ilang huwad na mga guro, kaya naman nilinaw niya sa naunang bahagi ng liham niya na ang isang tagapangasiwa ay dapat na “hindi maibigin sa pera.” (1Ti 3:1, 3 at study note) Sinasabi sa Kasulatan ang iba pang panganib ng pag-ibig sa pera. Hindi kailanman makokontento ang may ganitong pag-ibig. (Ec 5:10) At ang mas masama pa, kaya nitong masapawan at maalis pa nga ang pag-ibig ng tao sa Diyos. (Mat 6:24; tingnan ang study note sa Luc 16:9.) Kaya naman ang pag-ibig sa pera ay talagang ugat, o dahilan, ng napakaraming “nakapipinsalang bagay”; nagdudulot ito ng mga “kirot” na binanggit ni Pablo sa sumunod na talata.

dumanas: O “napagsasaksak.” Ang pandiwang Griego na ginamit ni Pablo dito ay nagpapahiwatig ng paulit-ulit at malalim na saksak gamit ang isang matalim na sandata. Ipinapakita lang dito ni Pablo kung gaano kalaki ang pinsalang idudulot ng isang Kristiyano sa sarili niya kung magpapakontrol siya sa pag-ibig sa pera. Magdudulot ito ng “maraming kirot.”

maraming kirot: Ang salitang Griego para sa “kirot” ay puwedeng tumukoy sa sobrang paghihirap ng damdamin, stress, at panghihina sa espirituwal at pagkadama ng lungkot, posibleng dahil sa pagkabagabag ng konsensiya. Dahil sa pag-ibig sa pera, dumanas ng “maraming kirot” si Hudas Iscariote. Nagpakontrol siya sa pag-ibig na iyon, at umabot pa sa puntong nagnakaw siya at nagtraidor kay Jesu-Kristo. (Mat 26:14-16; Ju 12:6) Mula sa pagiging tapat na apostol, nasadlak si Hudas at naging “anak ng pagkapuksa.”—Tingnan ang study note sa Ju 17:12.

baluti ng katuwiran: Iba’t ibang klase ng baluti ang isinusuot ng mga sundalong Romano noong unang siglo C.E. Ang isang klase ng baluti ay gawa sa patong-patong na pahabang piraso ng bakal na ikinakabit sa katad sa pamamagitan ng mga pangawit, panali, at pang-ipit na metal. Napoprotektahan ng ganitong baluti ang mahahalagang bahagi ng katawan, partikular na ang puso. Sa katunayan, ang baluting ito ay tinawag na “pananggalang ng puso” ni Polybius, isang Griegong istoryador noong ikalawang siglo B.C.E. Nakita ni Pablo na kailangan ng mga Kristiyano na protektahan ang puso nila. (Ihambing ang 1Te 5:8.) Kung paanong ang baluti ng isang sundalo ay pumoprotekta sa puso niya mula sa mga palaso at espada, ang pag-ibig ng isang Kristiyano sa matuwid na mga prinsipyo at pamantayan ng Diyos ay pumoprotekta rin sa kaniyang makasagisag na puso. (Aw 119:97, 105; Kaw 4:23) Dahil makasalanan at di-perpekto ang mga tao, lagi nilang kailangan ng ganiyang proteksiyon. (Jer 17:9) Sinasabi sa Hebreong Kasulatan na isinusuot ni Jehova ang katuwiran na gaya ng baluti.—Isa 59:15, 17.

makadiyos na debosyon: Ang terminong Griego na ginamit dito (eu·seʹbei·a) ay tumutukoy sa matinding paggalang sa Diyos. (Para sa paliwanag sa ekspresyong Griego na isinalin ditong “makadiyos na debosyon,” tingnan ang study note sa 1Ti 4:7.) Ginamit din sa Septuagint ang salitang Griegong ito. Halimbawa, lumitaw ito sa Isa 11:2 at 33:6, kung saan ginamit sa tekstong Hebreo ang “pagkatakot kay Jehova,” na tumutukoy rin sa matinding paggalang sa Diyos na Jehova. Nang isalin ang 1Ti 2:2 sa Syriac (ang Peshitta) noong ikalimang siglo C.E., ang terminong Griegong ito ay isinaling “matinding paggalang sa Diyos,” kung saan sadyang isinama ang salitang “Diyos.” Nang maglaon, sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, isinalin ang eu·seʹbei·a na “pagkatakot kay Jehova” sa talatang ito at sa iba pang teksto kung saan ito lumitaw. (1Ti 3:16; 4:7, 8; 6:3, 6, 11) Pero naniniwala ang New World Bible Translation Committee na walang sapat na basehan ang paggamit ng pangalan ng Diyos sa mismong teksto ng talatang ito.—Tingnan ang Ap. C, kung saan ipinaliwanag ang mga dahilan sa pagbabalik ng pangalan ng Diyos sa ilang talata; ihambing ang study note sa Ro 10:12.

O lingkod ng Diyos: Tinawag dito ni Pablo si Timoteo na “lingkod ng Diyos.” Dalawang beses lang ginamit ang ekspresyong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, sa tekstong ito at sa 2Ti 3:17. Pero sa Hebreong Kasulatan, lumitaw nang mga 70 beses ang ekspresyong “lingkod ng Diyos” (o “lingkod ng tunay na Diyos”). Ginamit ito para tumukoy sa mga propeta o iba pang espesyal na kinatawan ng Diyos, halimbawa, sina Moises (Deu 33:1), Samuel (1Sa 9:6, 10), David (Ne 12:24), Elias (1Ha 17:18, 24), at Eliseo (2Ha 4:7, 9). Posibleng ginamit ni Pablo ang ekspresyong ito para ipakitang galing sa Diyos ang atas ni Timoteo na labanan ang huwad na mga guro sa kongregasyon sa Efeso. (1Ti 1:3, 4; 6:2b-10) O posibleng ginamit ni Pablo ang ekspresyong ito para tukuyin ang sinumang lalaki o babaeng nakaalay kay Jehova at nagpapagabay sa Salita ng Diyos sa lahat ng aspekto ng buhay niya.—Tingnan ang study note sa 2Ti 3:17.

Itaguyod: Ang salitang Griego na isinaling “itaguyod” ay nangangahulugang “habulin.” Sa makasagisag na diwa, tumutukoy ito sa matinding pagsisikap na abutin ang isang bagay. Na kay Timoteo na ang magagandang katangiang binanggit ni Pablo, pero kailangan pa rin niyang patuloy na pasulungin ang mga iyon sa buong buhay niya. Hinimok din ni Pablo si Timoteo na layuan, o takasan, ang masama, gaya ng materyalismo. (1Ti 6:9, 10) Para kay Pablo, talagang masama ang materyalismo pero nakakabuti ang paglinang ng mga katangian ng Diyos. Kaya pinayuhan niya si Timoteo na tumakas sa materyalismo at habulin, o linangin, ang mga katangian ng Diyos.—Mat 6:24; 1Co 6:18 at study note; 10:14; 2Ti 2:22.

Itaguyod mo ang katuwiran: Sa mga katangiang sinabi ni Pablo na dapat linangin ni Timoteo, una niyang binanggit ang “katuwiran.” (Tingnan din ang 2Ti 2:22.) Noong panahong iyon, isa nang nakaalay at pinahirang Kristiyano si Timoteo kaya “ipinahayag na [siyang] matuwid.” (Ro 5:1) Pero kailangan niyang patuloy na ibigay ang buong makakaya niya sa pagsunod sa pamantayan ng Diyos ng tama at mali para maitaguyod niya ang katuwiran.—Tingnan sa Glosari, “Katuwiran”; tingnan din ang study note sa Efe 6:14.

makadiyos na debosyon: Para sa paliwanag sa ekspresyong “makadiyos na debosyon,” tingnan ang study note sa 1Ti 4:7; tingnan din ang study note sa 1Ti 2:2.

makadiyos na debosyon: Ang salitang Griego na ginamit dito (eu·seʹbei·a) ay tumutukoy sa matinding paggalang at paghanga sa Diyos na ipinapakita ng isang Kristiyano sa pamamagitan ng paglilingkod nang tapat at lubusang pagsunod sa Diyos. Malawak ang kahulugan ng salitang ito; tumutukoy rin ito sa tapat na pag-ibig o malapít na kaugnayan sa Diyos ng isang tao na nag-uudyok sa kaniya na gawin ang gusto ng Diyos. Kaya binanggit sa isang diksyunaryo na ang pinakadiwa talaga ng salitang ito ay “mamuhay sa paraang gusto ng Diyos.” Ipinakita rin ni Pablo na hindi tayo ipinanganak na may makadiyos na debosyon. Kaya pinayuhan niya si Timoteo na magsikap nang husto gaya ng isang atleta para mapasulong pa ang ganitong katangian. Sa naunang bahagi ng liham na ito, ipinaalala ni Pablo kay Timoteo na si Jesu-Kristo ang pinakamahusay na halimbawa sa pagpapakita ng makadiyos na debosyon.—Tingnan ang study note sa 1Ti 3:16.

Tumakas kayo mula sa seksuwal na imoralidad!: Ang salitang Griego na pheuʹgo ay nangangahulugang “tumakas; tumakbo palayo.” Ginamit ni Pablo ang salitang ito para himukin ang mga Kristiyano sa Corinto na tumakas mula sa seksuwal na imoralidad. May mga nagsasabi na nasa isip dito ni Pablo ang ulat tungkol kay Jose na literal at walang pagdadalawang-isip na tumakas mula sa asawa ni Potipar. Sa salin ng Septuagint sa Gen 39:12-18, ang salitang Griego na ginamit para sa “tumakas” ay ang salita ring ginamit dito. Sa orihinal na Griego, ang utos sa 1Co 6:18 ay nasa panahunang pangkasalukuyan, gaya ng makikita sa Kingdom Interlinear. Ipinapakita nito na kailangan nating “tumakas” nang patuluyan at paulit-ulit.

lingkod ng Diyos: Ang salitang Griego na isinalin ditong “lingkod” (anʹthro·pos) ay tumutukoy sa mga lalaki at babae. Kaya kahit na ang tagapangasiwang si Timoteo ang kausap dito ni Pablo, posibleng nasa isip niya rin ang lahat ng Kristiyanong lalaki o babae na lubusang nakaalay sa Diyos na Jehova. Kaya sa ilang salin, ang mababasa ay “taong pag-aari ng Diyos” o “taong nakaalay sa Diyos.” Gaya ng sinabi sa naunang talata, kailangan na laging pag-aralan ng “lingkod ng Diyos” ang Kasulatan at mamuhay ayon dito.—Tingnan ang study note sa 1Ti 6:11.

Ipagpatuloy mo ang marangal na pakikipaglaban para sa pananampalataya: Ang pandiwa at pangngalang Griego sa ekspresyong ‘ipagpatuloy ang pakikipaglaban’ ay tumutukoy noon sa pakikipaglaban ng mga atleta sa mga paligsahan para manalo. (Tingnan ang study note sa Luc 13:24; 1Co 9:25.) Kaya idinidiin dito ni Pablo na kailangang makipaglaban ang mga Kristiyano para sa pananampalataya nila sa Diyos na Jehova at kailangan nilang ipagtanggol ang mga katotohanan sa Bibliya na pinaniniwalaan nila. Talagang “marangal” ang pakikipaglaban na ito.—Tingnan ang mga study note sa 2Ti 4:7.

buhay na walang hanggan: Tingnan ang study note sa 1Ti 6:19.

tunay na buhay: Katulad ito ng sinabi ni Pablo kay Timoteo na mababasa sa 1Ti 6:12: “Manghawakan kang mahigpit sa buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Diyos para sa buhay na ito.” Kaya lumilitaw na ang “tunay na buhay” na binanggit ni Pablo dito ay ang “buhay na walang hanggan.” (Tingnan ang study note sa Ju 14:6.) Alam nina Pablo at Timoteo na ang orihinal na layunin ni Jehova, na Bukal ng buhay, ay ang mabuhay ang tao sa lupa nang payapa, masaya, at walang hanggan. (Gen 1:28; 2:15-17) Ibang-iba ito sa buhay ngayon na malungkot at walang kabuluhan dahil maikli ito, punô ng problema, sakit, at hinagpis na dulot ng pagkawala ng mahal sa buhay. (Job 14:1, 2; Aw 103:15, 16; Ec 1:2) Dahil sa mga ito, walang kasiguruhan ang buhay sa ngayon, at hindi rin maaasahan ang materyal na kayamanan. Gusto ni Pablo na pahalagahan ng mga kapuwa niya Kristiyano na nabubuhay sa “sistemang ito” ang pag-asa nilang makamit ang “tunay na buhay,” ang buhay na walang hanggan na mapayapa at masaya.—1Ti 6:17.

marangal na pakikipaglaban: Ikinumpara ni Pablo ang buhay at ministeryo niya bilang Kristiyano sa isang marangal na pakikipaglaban. (Tingnan ang study note sa 1Co 9:25; 1Ti 6:12.) Tapat niyang pinaglingkuran si Jehova sa kabila ng maraming pagsubok. Naglakbay siya nang malayo at naglayag sa dagat bilang misyonero. Tiniis niya ang iba’t ibang pag-uusig, gaya ng pang-uumog, panghahagupit, at pagkabilanggo. Kinalaban din siya ng “nagkukunwaring mga kapatid.” (2Co 11:23-28) Pero binigyan siya ni Jehova at ni Jesus ng lakas na kailangan niya para makapanatiling tapat at matapos ang ministeryo niya.—Fil 4:13; 2Ti 4:17.

Naipaglaban ko na . . . , natapos ko na . . . , nanatili akong matatag: Gumamit si Pablo ng tatlong ekspresyon para magdiin ng iisang ideya: Tapat niyang natapos ang Kristiyanong landasin at ministeryo niya at natupad ang lahat ng iniatas sa kaniya ng Panginoong Jesus. (Gaw 20:24) Kahit na mamamatay na si Pablo, patuloy na mamumunga ang mga pinaghirapan niya.

lahat ng kasali sa isang paligsahan: O “lahat ng atleta.” Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay kaugnay ng isang pangngalan na kadalasang tumutukoy sa paligsahan ng mga atleta. Sa Heb 12:1, ginamit ang pangngalang ito para sa Kristiyanong “takbuhan” tungo sa buhay. Isinasalin din itong “problema” (Fil 1:30), “paghihirap” (Col 2:1), o “pakikipaglaban” (1Ti 6:12; 2Ti 4:7). Ang mga anyo ng pandiwang Griego na ginamit dito sa 1Co 9:25 ay isinaling “magsikap kayo nang husto” (Luc 13:24), “nagsisikap . . . nang husto” (Col 1:29; 1Ti 4:10), “marubdob” (Col 4:12), at “pakikipaglaban” (1Ti 6:12). —Tingnan ang study note sa Luc 13:24.

Magsikap kayo nang husto: O “Patuloy kayong magpursigi.” Idiniriin dito ni Jesus na kailangang ibigay ng isa ang buong makakaya niya para makapasok sa makipot na pinto. Ayon sa iba’t ibang reperensiya, puwede rin itong isalin sa tekstong ito na “Ibigay ang inyong buong makakaya; Gawin ninyo ang lahat.” Ang pandiwang Griego na a·go·niʹzo·mai ay nauugnay sa pangngalang Griego na a·gonʹ, na madalas gamitin para tumukoy sa kompetisyon ng mga atleta. Sa Heb 12:1, ginamit ang pangngalang ito para sa Kristiyanong “takbuhan” tungo sa buhay. Isinasalin din itong “problema” (Fil 1:30), “paghihirap” (Col 2:1), o “pakikipaglaban” (1Ti 6:12; 2Ti 4:7). Ang mga anyo ng pandiwang Griego na ginamit sa Luc 13:24 ay isinaling “kasali sa isang paligsahan” (1Co 9:25), “nagsisikap . . . nang husto” (Col 1:29; 1Ti 4:10), “marubdob” (Col 4:12), at “pakikipaglaban” (1Ti 6:12). Dahil iniuugnay ang ekspresyong ito sa kompetisyon ng mga atleta, sinasabi ng ilan na pinapasigla ni Jesus ang mga alagad niya na magsikap na katulad ng isang atleta na ibinubuhos ang buong makakaya para mapanalunan ang gantimpala.

hayagan mong sinasabi: Ang salitang Griego na ho·mo·lo·geʹo ay isinaling “inaamin” sa ilang Bibliya. Sa maraming diksyunaryo, ang salitang ito ay nangangahulugang “ihayag (kilalanin nang hayagan).” Sa talata 10, ang pandiwang ito ay isinalin namang “ipinahahayag.” Sinasabi dito ni Pablo na hindi sapat na basta manampalataya ang mga Kristiyano; dapat nila itong ihayag para maligtas sila. (Aw 40:9, 10; 96:2, 3, 10; 150:6; Ro 15:9) Hindi lang nila isang beses gagawin ang ganitong paghahayag sa publiko, gaya ng sa panahon ng bautismo, kundi patuloy nila itong gagawin kapag nagtitipon silang kasama ng mga kapananampalataya nila at kapag naghahayag sila ng mabuting balita ng kaligtasan sa mga di-sumasampalataya.​—Heb 10:23-25; 13:15.

patotoo sa harap ni Poncio Pilato: Makikita sa mga ulat ng Ebanghelyo na nagpatotoo si Kristo Jesus kay Pilato. (Mat 27:11; Ju 18:33-38) Pero ang mahusay na patotoo na binanggit sa tekstong ito ay hindi lang tumutukoy sa mga sinabi ni Jesus kay Pilato sa maikling pag-uusap nila. (Tingnan ang study note sa Ro 10:9.) Posibleng ang “patotoo” na tinutukoy dito ni Pablo ay ang pagtitiis at katapatan ni Jesus noong nililitis siya hanggang sa kamatayan niya. Siguradong naging inspirasyon ni Timoteo ang magandang halimbawa ni Jesus sa pagbibigay ng “patotoo” para lubos niyang maisakatuparan ang atas niya sa Efeso.

pagkakahayag sa ating Tagapagligtas, si Kristo Jesus: Ipinapaliwanag dito ni Pablo na ang “walang-kapantay na kabaitan” ng Diyos, na binanggit sa talata 9, ay “malinaw na . . . nakikita dahil sa pagkakahayag [kay] Kristo Jesus.” Sa kontekstong ito, inihayag ni Jehova si Jesus nang isugo niya sa lupa ang Anak niyang ito para maging tao. Binanggit din ang paghahayag na ito sa Ju 1:14, na nagsasabing “ang Salita ay naging tao at namuhay kasama” ng mga tao. Gayundin, binanggit sa 1Ti 3:16 (tingnan ang study note) na si Jesus ay “naging tao.” Tumutukoy ito sa buhay at ministeryo ni Jesus sa lupa, na lumilitaw na nagsimula nang bautismuhan siya sa Ilog Jordan. Sa buong ministeryo ni Jesus, malinaw niyang itinuro sa mga tao kung paano sila maliligtas mula sa kasalanan at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.—Mat 1:21; Luc 2:11; 3:6.

pagkakahayag ng ating Panginoong Jesu-Kristo: Sa Bibliya, ang terminong Griego na isinaling “pagkakahayag” (e·pi·phaʹnei·a) ay tumutukoy sa nakikitang ebidensiya ng isang bagay o pagpapakita ng awtoridad o kapangyarihan. Ginamit ito para tukuyin ang panahong nandito sa lupa si Jesus. (2Ti 1:10 at study note) Ginamit din ito para tumukoy sa iba’t ibang pangyayari sa panahon ng presensiya ni Jesus bilang Hari. (Halimbawa, tingnan ang study note sa 2Te 2:8.) Sa kontekstong ito, ang “pagkakahayag” ni Jesus ay tumutukoy sa isang pangyayari sa hinaharap kung saan malinaw na makikita ang kaluwalhatian at kapangyarihan niya bilang Mesiyanikong Hari.—Dan 2:44; 7:13, 14; 1Ti 6:15; 2Ti 4:1.

kapag nahayag na ang kaniyang presensiya: Tumutukoy ito, hindi sa buong panahon ng di-nakikitang presensiya ni Kristo, kundi sa isang pangyayari na magaganap sa dulo ng yugtong iyon. Kapag nangyari iyon, mahahayag na sa lahat ang presensiya ni Kristo. (Luc 21:25-28; tingnan sa Glosari, “Presensiya.”) Makikita sa sinabi ni Pablo na ang “napakasamang tao,” na umiiral na noong unang siglo C.E., ay patuloy na iiral hanggang sa panahon ng presensiya ni Kristo. Kaya lumilitaw na hindi lang sa isang indibidwal tumutukoy ang ‘taong’ iyon, kundi sa isang grupo. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:3.) Kapag nailapat na ang hatol ng Diyos sa “napakasamang tao,” hindi lang presensiya ng haring si Kristo ang mahahayag; magiging malinaw rin na paparating na ang “malaking kapighatian” na inihula ni Kristo.—Mat 24:21; tingnan sa Glosari, “Malaking kapighatian.”

maligaya: Sukdulan ang pagiging “maligaya,” o pinagpala, ni Jesus bilang Makapangyarihang Tagapamahala, dahil pinagpapala siya at kinalulugdan ng Diyos na Jehova. (Fil 2:9-11) Siya rin ang “larawan ng di-nakikitang Diyos,” kaya maligaya siya gaya ng kaniyang Ama, ang “maligayang Diyos.”—Col 1:15; 1Ti 1:11 at study note; ihambing ang Kaw 8:30, 31.

maligaya at tanging Makapangyarihang Tagapamahala: Malinaw na si Jesu-Kristo ang tinutukoy dito ni Pablo batay sa konteksto at pagkakasulat niya. Kababanggit pa lang ni Pablo ng tungkol sa “pagkakahayag ng ating Panginoong Jesu-Kristo.” (1Ti 6:14) Dito, ikinumpara niya ang Panginoong Jesu-Kristo sa mga di-perpektong tagapamahalang tao. Ang salitang Griego na isinaling “Makapangyarihang Tagapamahala” (dy·naʹstes) ay puwedeng tumukoy sa isang hari, pero puwede rin itong tumukoy sa isang tagapamahala na nasa ilalim ng isang hari, gaya ng isang prinsipe. Angkop kay Jesus ang terminong ito, dahil isa siyang Hari na nasa ilalim ng kaniyang Ama, si Jehova. Si Jesus ang nag-iisang Tagapamahala na direktang binigyan ng Diyos ng “awtoridad na mamahala, ng karangalan, at ng isang kaharian,” bilang katuparan ng hula sa Dan 7:14. Dahil natatangi ang pagiging hari ni Jesus, tama lang na tawagin siyang “tanging Makapangyarihang Tagapamahala.” Wala siyang kapantay na hari o panginoon sa lupa, kahit pa ang mga haring kumatawan kay Jehova sa Jerusalem noon. Kaya si Jesus ang Hari at Panginoon na nakatataas sa kanilang lahat.—Ihambing ang Apo 17:14; 19:16.

maligayang Diyos: Ipinapakita dito ni Pablo na isa sa pangunahing katangian ni Jehova ang pagiging maligaya. Sa loob ng di-mabilang na taon ng pag-iral ng Diyos, lagi siyang masaya, kahit noong nag-iisa siya. (Mal 3:6) Nakadagdag din sa kaligayahan ni Jehova ang pag-iral ng kaniyang panganay na Anak. (Kaw 8:30) Nasaktan at nalungkot si Jehova dahil sa pagrerebelde at paninirang-puri ni Satanas, pero masaya pa rin siya dahil nananatiling tapat ang kaniyang mga lingkod. (Kaw 27:11) Nang makipagkita si Pablo sa matatandang lalaki sa Efeso, sinipi niya ang sinabi ni Jesus: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (Gaw 20:35 at study note) Makikita dito ang isang dahilan kung bakit “maligayang Diyos” si Jehova; siya ang pinakabukas-palad sa buong uniberso. (Aw 145:16; Isa 42:5) Kapag tinutularan si Jehova ng mga lingkod niya, nagiging maligaya din sila. (Efe 5:1) “Maligaya” ang taong araw-araw na nagbabasa ng kautusan ni Jehova, gaya ng sinasabi sa Aw 1:1, 2. Sa tekstong iyon, ginamit sa saling Septuagint ang salitang Griego na ginamit dito ni Pablo. Sa Sermon sa Bundok, paulit-ulit na sinabi ni Jesus na puwedeng maging maligaya ang mga tagasunod niya, kahit sa panahon ng problema at pag-uusig.—Mat 5:3-11; tingnan ang study note sa Mat 5:3; Ro 4:7.

Amen: O “Mangyari nawa.” Ang salitang Griego na a·menʹ ay transliterasyon ng terminong Hebreo mula sa salitang-ugat na ’a·manʹ, na nangangahulugang “maging tapat; maging mapagkakatiwalaan.” (Tingnan sa Glosari.) Ang “Amen” ay sinasabi bilang pagsang-ayon sa isang panata, panalangin, o isang bagay na sinabi. Madalas itong gamitin ng mga manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan para ipahayag ang pagsang-ayon nila sa isang bagay nang may kasamang papuri sa Diyos, gaya ng ginawa dito ni Pablo. (Ro 16:27; Efe 3:21; 1Pe 4:11) Minsan, ginagamit din ito para idiin ang kagustuhan ng manunulat na pagpalain ng Diyos ang makakatanggap ng liham. (Ro 15:33; Heb 13:20, 21) Ginagamit din ito para ipakita na talagang sang-ayon ang manunulat sa isang bagay na kasasabi lang.​—Apo 1:7; 22:20.

maligaya at tanging Makapangyarihang Tagapamahala: Malinaw na si Jesu-Kristo ang tinutukoy dito ni Pablo batay sa konteksto at pagkakasulat niya. Kababanggit pa lang ni Pablo ng tungkol sa “pagkakahayag ng ating Panginoong Jesu-Kristo.” (1Ti 6:14) Dito, ikinumpara niya ang Panginoong Jesu-Kristo sa mga di-perpektong tagapamahalang tao. Ang salitang Griego na isinaling “Makapangyarihang Tagapamahala” (dy·naʹstes) ay puwedeng tumukoy sa isang hari, pero puwede rin itong tumukoy sa isang tagapamahala na nasa ilalim ng isang hari, gaya ng isang prinsipe. Angkop kay Jesus ang terminong ito, dahil isa siyang Hari na nasa ilalim ng kaniyang Ama, si Jehova. Si Jesus ang nag-iisang Tagapamahala na direktang binigyan ng Diyos ng “awtoridad na mamahala, ng karangalan, at ng isang kaharian,” bilang katuparan ng hula sa Dan 7:14. Dahil natatangi ang pagiging hari ni Jesus, tama lang na tawagin siyang “tanging Makapangyarihang Tagapamahala.” Wala siyang kapantay na hari o panginoon sa lupa, kahit pa ang mga haring kumatawan kay Jehova sa Jerusalem noon. Kaya si Jesus ang Hari at Panginoon na nakatataas sa kanilang lahat.—Ihambing ang Apo 17:14; 19:16.

imortal: Ang salitang Griego para sa “imortalidad” (a·tha·na·siʹa) ay lumitaw nang tatlong beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, sa 1Co 15:53, 54 at 1Ti 6:16. Ang pangunahing kahulugan nito ay “hindi mapapasailalim sa kamatayan.” Tumutukoy ito sa kalidad ng buhay—isang buhay na walang wakas at walang kasiraan. Kapag binuhay-muli ang pinahirang mga tagasunod ni Kristo, na naglingkod nang tapat sa Diyos bilang mortal na mga tao, ang buhay nila ay nakahihigit sa walang-hanggang buhay ng espiritung mga nilalang. Bibigyan sila ni Jehova ng “buhay na di-magwawakas,” o buhay na walang kasiraan, na isang napakalaking kapahayagan ng tiwala ng Diyos sa kanila.—Heb 7:16; ihambing ang study note sa 1Co 15:42.

ang nag-iisang imortal: Dito, sinabi ni Pablo ang iba pang dahilan kung bakit natatangi si Jesus sa lahat ng iba pang tagapamahala, hari, o panginoon. (Tingnan ang study note sa 1Ti 6:15.) Binuhay-muli ni Jehova ang Anak niya bilang espiritu at binigyan ng imortalidad. (Ro 6:9; 1Pe 3:18) Walang hari o panginoong nauna sa kaniya ang tumanggap ng ganitong kaloob, kaya talagang nakahihigit si Jesus sa lahat ng di-perpektong tagapamahalang tao.—Tingnan ang study note sa 1Co 15:53.

naninirahan sa di-malapitang liwanag: Pagkaakyat ni Jesus sa langit, “umupo siya sa kanan ng Diyos.” (Heb 10:12) Kasama niya roon ang Pinagmumulan ng lahat ng liwanag at buhay. (Aw 36:9) Ganoon na lang kaluwalhati si Jesus kaya hindi siya makikita o malalapitan ng isang taong may laman at dugo. Sinabi ni Jesus sa mga alagad niya na makikita nila siyang muli, pero mangyayari lang iyon kapag binuhay na silang muli sa langit bilang espiritu. Sa pagkakataong iyon, makikita nila ang kaluwalhatiang ibinigay ng Diyos kay Jesus.—Ju 13:36; 14:19; 17:24.

Amen: Tingnan ang study note sa Ro 1:25.

Sabihan: O “Utusan.”—Tingnan ang study note sa 1Ti 1:5.

mayayaman sa sistemang ito: Dahil si Satanas ang kumokontrol ng masamang sistemang ito, madalas na naiimpluwensiyahan ang mga tao na maging materyalistiko. Kaya sinabihan ni Pablo ang mayayamang Kristiyano na maging mapagbantay. (Ro 12:2; 2Co 4:4) Itinuro ni Jesus na papalitan ang sistemang ito ng isang bagong sanlibutan sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos. (Mar 10:30 at study note; Luc 18:29, 30) Itinuro din ni Pablo na may isang sistema na “darating.” (Efe 1:21; 2:7) Kaya pinasigla niya ang mga Kristiyano na magpokus sa sistemang iyon at ‘mag-ipon ng kayamanan na magsisilbing mahusay na pundasyon para sa hinaharap.’1Ti 6:19.

sistemang ito: O “panahong ito.” Tinutukoy dito ni Pablo ang masamang sistema na nasa ilalim ng pamamahala ni Satanas.—Tingnan ang study note sa Mat 13:22; 2Co 4:4; Gal 1:4.

huwag maging mayabang: Ang salitang Griego para sa “mayabang” ay puwede ring isaling “mapagmataas.” Pinayuhan ni Pablo ang mayayamang Kristiyano na magkaroon ng balanseng pananaw sa kayamanan nila. Puwedeng maisip ng isang mayaman na nakakataas siya dahil sa mga tinataglay niya. Pero para kay Jehova, hindi nagiging mas mahalaga kaysa sa iba ang isang tao dahil sa kayamanan niya.—Kaw 22:2; Mat 8:20; San 2:5.

huwag umasa sa kayamanan na walang katiyakan: Posibleng maisip ng isang mayamang tao na kayamanan niya ang nagbibigay ng proteksiyon sa kaniya. Pero idiniin ni Pablo na hindi maaasahan ang kayamanan. Puwede pa nga itong maging tukso at bitag (1Ti 6:9), at puwede rin itong mawala nang biglaan (Kaw 18:11; 23:4, 5).

saganang naglalaan sa atin ng lahat ng bagay na nagpapasaya sa atin: Dito, gumamit si Pablo ng magkakaugnay na salita tungkol sa kayamanan para magdiin ng punto. Una, sinabi niya na “ang mayayaman” ay hindi dapat umasa sa “kayamanan na walang katiyakan,” kundi sa Diyos. Pagkatapos, ipinaalala niya sa mga Kristiyano na ang Diyos ang Pinagmumulan ng lahat ng mabubuting bagay at na ‘sagana’ niyang inilalaan ang mga ito para masiyahan sila. Siyempre, ang pinakanakapagpapasaya sa kanila at nakakapagbigay ng kapanatagan ay ang espirituwal na paglalaan ni Jehova. (Mat 6:19-21, 33) Pagkatapos, pinasigla ni Pablo ang mga Kristiyano na “gumawa ng . . . maraming mabubuting bagay” para “makapanghawakan silang mahigpit sa tunay na buhay.”—1Ti 6:18, 19.

sistemang ito: Ang pangunahing kahulugan ng salitang Griego na ai·onʹ ay “panahon.” Puwede itong tumukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. (2Ti 4:10; tingnan sa Glosari, “Sistema.”) Ang tinatawag dito ni Pablo na ‘masamang sistema’ ay lumilitaw na nagsimula mga ilang panahon pagkatapos ng Baha. Nagkaroon ang mga tao ng di-matuwid na paraan ng pamumuhay dahil sa pagiging makasalanan nila at pagrerebelde sa Diyos at sa kalooban niya. Nabuhay ang mga Kristiyano noong unang siglo C.E. sa ‘masamang sistema,’ pero hindi sila naging bahagi nito. Nailigtas sila mula rito ng haing pantubos ni Jesu-Kristo.—Tingnan ang study note sa 2Co 4:4.

sistemang ito: Ang pangunahing kahulugan ng salitang Griego na ai·onʹ ay “panahon.” Puwede itong tumukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. (Tingnan sa Glosari, “Sistema.”) Dahil ang “sistemang ito” ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, siya ang humuhubog dito at galing sa kaniya ang mga katangiang nakikita dito.—Efe 2:1, 2.

diyos ng sistemang ito: Si Satanas ang “diyos” na tinutukoy dito, dahil gaya ng makikita sa teksto, ‘binulag niya ang isip ng mga di-sumasampalataya.’ Tinawag ni Jesus si Satanas na “tagapamahala ng mundong ito” at sinabi na “palalayasin” siya. (Ju 12:31) Ang sinabi ni Jesus at ang tawag kay Satanas na “diyos ng sistemang ito [o, “ng panahong ito”]” ay nagpapakitang pansamantala lang ang posisyon niya.—Ihambing ang Apo 12:12.

sistemang: Ang salitang Griego na ai·onʹ, na literal na nangangahulugang “panahon,” ay puwedeng tumukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. Dito, ang termino ay may kaugnayan sa mga álalahanín at problema na bahagi ng buhay sa kasalukuyang sistema.—Tingnan sa Glosari, “Sistema.”

sa darating na sistema: O “sa darating na panahon.” Ang salitang Griego na ai·onʹ, na literal na nangangahulugang “panahon,” ay puwedeng tumukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. Tinutukoy dito ni Jesus ang darating na sistema sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos, kung saan matutupad ang ipinangakong buhay na walang hanggan.​—Luc 18:29, 30; tingnan sa Glosari, “Sistema.”

tagubiling: O “utos na.” Ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang utos niya kay Timoteo na ‘sabihan ang ilan’ sa kongregasyon na “huwag magturo ng ibang doktrina o magbigay-pansin sa mga kuwentong di-totoo.” (1Ti 1:3, 4) Ayon sa isang diksyunaryo, ang salitang ginamit dito ay tumutukoy sa “isang bagay na kailangang gawin.” Maraming beses ginamit ni Pablo sa liham niya ang salitang ito at ang kaugnay nitong mga ekspresyon.—1Ti 1:18; 4:11; 5:7; 6:13, 17.

Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay: Si Jesus ang daan dahil siya lang ang paraan para makalapit tayo sa Diyos sa panalangin. Siya rin “ang daan” para maipagkasundo ang mga tao sa Diyos. (Ju 16:23; Ro 5:8) Si Jesus ang katotohanan dahil nagsalita siya at namuhay ayon sa katotohanan. Napakarami niya ring tinupad na hula na nagpapakita kung gaano kalaki ang papel niya sa katuparan ng layunin ng Diyos. (Ju 1:14; Apo 19:10) Ang mga hulang ito ay “naging ‘oo’ [o natupad] sa pamamagitan niya.” (2Co 1:20) Si Jesus ang buhay dahil sa pamamagitan ng pantubos, naging posible na magkaroon ang mga tao ng “tunay na buhay,” ang “buhay na walang hanggan.” (1Ti 6:12, 19; Efe 1:7; 1Ju 1:7) Siya rin “ang buhay” para sa milyon-milyong namatay na bubuhaying muli at may pag-asang mabuhay magpakailanman sa Paraiso.—Ju 5:28, 29.

tunay na buhay: Katulad ito ng sinabi ni Pablo kay Timoteo na mababasa sa 1Ti 6:12: “Manghawakan kang mahigpit sa buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Diyos para sa buhay na ito.” Kaya lumilitaw na ang “tunay na buhay” na binanggit ni Pablo dito ay ang “buhay na walang hanggan.” (Tingnan ang study note sa Ju 14:6.) Alam nina Pablo at Timoteo na ang orihinal na layunin ni Jehova, na Bukal ng buhay, ay ang mabuhay ang tao sa lupa nang payapa, masaya, at walang hanggan. (Gen 1:28; 2:15-17) Ibang-iba ito sa buhay ngayon na malungkot at walang kabuluhan dahil maikli ito, punô ng problema, sakit, at hinagpis na dulot ng pagkawala ng mahal sa buhay. (Job 14:1, 2; Aw 103:15, 16; Ec 1:2) Dahil sa mga ito, walang kasiguruhan ang buhay sa ngayon, at hindi rin maaasahan ang materyal na kayamanan. Gusto ni Pablo na pahalagahan ng mga kapuwa niya Kristiyano na nabubuhay sa “sistemang ito” ang pag-asa nilang makamit ang “tunay na buhay,” ang buhay na walang hanggan na mapayapa at masaya.—1Ti 6:17.

bantayan mo ang ipinagkatiwala sa iyo: Kasama sa tinutukoy dito ni Pablo na ipinagkatiwala kay Timoteo ang mga katotohanan sa Kasulatan. (1Te 2:4; 2Ti 1:14; ihambing ang Ro 3:2 at study note.) Ang terminong isinaling “ipinagkatiwala” ay tumutukoy kung minsan sa mahahalagang bagay na itinago sa bangko. Puwede rin itong tumukoy sa isang bagay na ipinatago sa isang tao para ingatan, gaya ng pagkakagamit dito ng Griegong Septuagint. (Lev 6:2, 4 [5:21, 23, LXX]) Dapat ingatan ni Timoteo ang sagradong mensahe; pero hindi ibig sabihin nito na itatago niya ito, kundi ituturo niya ito sa iba nang may katumpakan. (2Ti 2:2) Sa paggawa nito, mababantayan, o mapoprotektahan, niya ang mahahalagang katotohanan mula sa mga taong gustong pumilipit dito sa pamamagitan ng “walang-saysay na mga usapan” at pagtataguyod ng di-totoong “kaalaman.”

walang-saysay na mga usapan: Lit., “walang-saysay na mga tunog.” Gumamit dito si Pablo ng ekspresyong Griego na nangangahulugang “usapan na walang katuturan,” kaya sa ibang salin ng Bibliya, ginamit ang ekspresyong “usapang hindi kapupulutan ng aral” at “usapang walang kapupuntahan.” Ang ganitong usapan ay batay lang sa mga haka-haka, hindi sa mapananaligang katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Wala itong saysay dahil hindi ito nakakapagpatibay ng pananampalataya. (1Ti 1:6; 2Ti 4:4; Tit 3:9) At mas masama pa, puwede itong lumapastangan sa kung ano ang banal, dahil kadalasan nang hinahamak nito ang mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. Ang mga taong sumasali sa ganitong usapan ay nagtataguyod ng mga kaisipan ng tao sa halip na mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Binabalaan ni Pablo si Timoteo na huwag makisali dito.—1Ti 4:7 at study note; 2Ti 2:16.

tinatawag na “kaalaman”: Hindi tunay na kaalaman ang tinutukoy dito ni Pablo; sigurado siyang wala itong saysay. Hindi ito makakasulatan. Sa katunayan, nagkakasalungatan pa nga ang mga ideyang itinataguyod dito, at mas masama pa, sinasalungat nito ang Kasulatan. Sa liham na ito, paulit-ulit na binabalaan ni Pablo si Timoteo laban sa turo ng huwad na mga guro na walang saysay at nakakasira sa pagkakaisa dahil gusto lang ng mga ito na ipagyabang ang alam nila at impluwensiyahan ang kongregasyon. (1Ti 1:4, 7; 4:1-3, 7; 6:3-6) Patuloy na kumalat ang ‘kaalamang’ (sa Griego, gnoʹsis) ito. Noong ikalawang siglo C.E., lumitaw ang ilang grupo ng apostatang Kristiyano na nagpakilala bilang mga Gnostiko, na ang ibig sabihin ay “mga nagtataglay ng kaalaman.”—Tingnan ang study note sa Ju 1:14.

ipinagkatiwala sa kanila: Sa mga Judio. (Tingnan sa Glosari, “Judio.”) Sinabi ni Moises sa Deu 29:29: ‘Ang mga bagay na isiniwalat ay ipinagkatiwala sa atin [mga Israelita] at sa mga inapo natin magpakailanman.’ Sa Aw 147:19, 20, sinabing ‘inihayag ng Diyos ang kaniyang salita sa Israel,’ pero “hindi niya iyon ginawa sa ibang bansa.” Ipinahiwatig ni Jesus na sa mga Judio ipinagkatiwala ang mensahe ng pagliligtas ng Diyos at ang tunay na pagsamba nang sabihin niya: “Unang ipinaalám sa mga Judio ang tungkol sa kaligtasan.” (Ju 4:22; tingnan ang study note.) Dito, idinidiin ni Pablo na sa mga Judio nga ipinagkatiwala ni Jehova ang pagsulat sa bahaging Hebreo-Aramaiko ng Kasulatan. Isa pa, ang mga Judiong alagad din ni Jesus ang sumulat sa mga aklat sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Kaya ang mga Judio ang tagapag-ingat ng kaalaman mula sa Kasulatan, at pananagutan nilang isulat ang mga aklat na bubuo sa kanon ng Bibliya.​—Tingnan ang study note sa Luc Pamagat at 24:44.

mga kuwentong di-totoo at lumalapastangan sa Diyos: Lumalapastangan sa Diyos ang “mga kuwentong di-totoo” (salin ng salitang Griego na myʹthos) na kumakalat noong panahon ni Pablo. Nilalabag nito ang banal na mga pamantayan ng Diyos, at salungat ito sa sagrado at kapaki-pakinabang na mga katotohanan. (1Ti 6:20; 2Ti 1:13) Bunga lang ng imahinasyon ang mga kuwentong ito, kaya wala itong kabuluhan.—Tingnan ang study note sa 1Ti 1:4.

ang Salita ay naging tao: Tao si Jesus mula nang ipanganak siya hanggang mamatay. Ipinaliwanag ni Jesus kung bakit kailangan niyang maging tao: “Ang tinapay na ibibigay ko alang-alang sa sangkatauhan ay ang aking katawan [bilang tao].” (Ju 6:51) Isa pa, dahil naging totoong tao si Jesus, naranasan niya ang pinagdaraanan ng mga taong may laman at dugo, kaya lubusan niya tayong nauunawaan bilang Mataas na Saserdote. (Heb 4:15) Imposibleng naging tao at tulad-diyos si Jesus nang sabay dahil sinasabi sa Kasulatan na “ginawa siya noong mas mababa nang kaunti sa mga anghel.” (Heb 2:9; Aw 8:4, 5; tingnan ang study note sa tao sa talatang ito.) Pero hindi lahat ay naniniwalang naging tao si Jesus. Halimbawa, pinaghalo-halo ng mga Gnostiko—na naniniwalang ang kaalaman (sa Griego, gnoʹsis) ay nakukuha sa mahiwagang paraan—ang Griegong pilosopiya, mahiwagang turo ng mga taga-Silangan, at mga turo ng apostatang mga Kristiyano. Para sa kanila, ang lahat ng pisikal na bagay ay masama. Dahil dito, itinuturo nila na hindi naging tao si Jesus kundi nagkatawang-tao lang. Lumilitaw na malakas ang impluwensiya ng sinaunang gnostisismo noong dulong bahagi ng unang siglo C.E., kaya malamang na may pinapalitaw na punto si Juan nang isulat niyang “ang Salita ay naging tao.” Sa mga liham ni Juan, nagbabala siya laban sa huwad na turo na si Jesus ay hindi “dumating bilang tao.”​—1Ju 4:2, 3; 2Ju 7.

Media